“Ritwal”


Sa buong mundo, may pitong kontinente, daan-daang bansa, at libo-libong rehiyon saan ka mang parte makarating. Sa bawat sulok ng daigdig, mayroon pa ring mga lugar na hindi naaabot ng modernong pagbabago sa maraming larang. Maaring sa usapin ng paggamit ng makabagong teknolihiya, paraan ng pamumuhay, paghahanap-buhay, usaping medikal o maging sa edukasyon. Mga lugar na hindi pa rin nagiging ganap na sibilisado sa panahong ito at napag-iiwanan na bagong henerasyon. Bukod pa sa ilang nabanggit, marami pa ring mga tao ang humahawak sa makalumang paraan ng pagluwalhati sa nakatataas. Mga tradisyon, kultura o paniniwala hanggang ngayon ay nananatili at pinepreserba sa paglipas ng taon dahil na rin sa kakulangan sa kaalaman ng mga makabagong pamamaraan ng pamumuhay.


Bunga ng kakulangan sa kaalaman at kamangmangan sa iilang aspekto, maraming ordinaryong mamamayan ang kumakapit sa nakasanayan at naniniwala sa mga bagay na hindi nabigyan patunay gaya na lamang ng nangyari sa akdang pinamagatang ” Ritwal” kung saan maraming tao na pagdurusa ang sinapit. Sa akdang ito, maraming katanungan ang malinaw na mabibigyang kasagutan tulad ng “Anong magiging epekto ng may kakulangan sa edukasyon?”, “Anong sama ang naidudulot ng kawalan ng sibilisadong pamumuhay?” at “Bakit may mga taong patuloy na naloloko, nanloloko, at nagpapaloko?” Ilan lamang ito sa mga katanungan na maaring mabuo sa isipan ng mga mambabasa ngunit mahusay na mabibigyan kasagutan ng akdang “Ritwal”. Ang bawat tauhan ay lumalarawan sa mga mamamayan na madalas mong makasalamuha sa pang-araw-araw na pamumuhay sa mundong ito.


Binigyan diin ng akda ang mga resulta ng kahirapan at kawalan ng edukasyon sa isang napag-iiwanang lugar. Isa sa mga halimbawa nito ay ang paggamit sa makalumang paggagamot gamit ang mga halaman, langis at mga hayop. Mga taong paniwalain sa simpleng himalang nangyayari na wala namang siyentipikong patunay. Sa madaling salita ay naging uto-uto ang mga tao sa mga hiwagang naipapakita sa kanila tulad ng nangyari sa kwento na nagpaalipin sa mga himala’t panggagamot nga pangunahing tauhan na si “Guido”. Maging ang kamusmusan ng batang si Anna ay nadungisan dahil na rin sa kawalang karunungan sa mundong ibabaw.

Naipapakita rin kung paanong ang isang problema ay nag-uugat sa mas malala pang problema at nagdudulot ng markang hindi na maaalis pa. Kung kaya’t sa maliit na problema pa lamang dapat ay maagap na masolusyunan na parang apoy na dapat tupukin agad-agad upang hindi magdulot ng mas malaking kasiraan. Isa ito sa mga aral na pwedeng mapulot kung mababasa ito ng mas nakararami. Ipapaalala rin sa atin ng akdang “Ritwal” na hindi basta-basta dapat ibigay ang tiwala lalo na king wala pang sapat na kaalaman tungkol sa isang tao o bagay na nakapaligid sa iyo. Sabi nga sa isang kasabihan na “Prevention is better than cure”, hindi mo na mababawi pa ang mga nangyari na.

Ang pagbasa sa gawang akdang ito ay nagbubukas pa sa bagong kamalayan hindi lamang ng mga kabataan pati na rin sa mga matatandang kumapit sa nakasanayan. Kung magkakaroon tayo ng wastong pagkatuto ay mas epektibo tayong makakapag-isip sa kritikal na paraan. Sa pinakahuling parte ng kwento, nakapagbigay ang may-akda ng kaisipan na hindi nagtatapos sa “happy ending” ng tao kung masolusyonan ang suliranin. Hindi niromanticizes ika nga ng iba ang dulo ng kwento bagkus ay binigyan linaw pa ang sitwasyon na nangyayari sa lipunan upang mas madaling maintidihan ng mga mamamayan ang buong nilalaman ng akda.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started